Papatindi pa ang bakbakan sa pagitan ng tropang gobyerno at ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) matapos na 13 pang miyembro ng Phi-lippine Marines ang nagbuwis ng buhay sa krisis sa Marawi City na pumalo na sa ika -19 araw kahapon.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ito’y sa gitna na rin ng misyon na “Marawi Liberation “ o ang tuluyang palayain sa terorismo ang lungsod sa pamamagitan ng paglipol sa nalalabi pang mga lider at tauhan ng Maute -ISIS bago o mismong sa Hunyo 12 sa pagdiriwang ng ika-119 taong Kasarinlan sa bansa at dito’y itataas ng tropang gobyerno ang ating bandila.
Sinasabing ang nasabing tropa ng Philippine Marines ay siyang responsable sa pagkakarekober ng kabuuang P 52.2 M cash at P 27 M tseke sa isa sa mga bahay ng pinagtaguan ng Maute -ISIS terrorist sa Brgy. Mapandi ng lungsod.
Ayon sa sources , isa umano sa nagbuwis ng buhay ay isang tinyente ng Philippine Marines pero tumanggi muna ang mga opisyal na kumpirmahin ito dahilan iniimpormahan pa ang pamilya ng mga nasawing sundalo.
Sinabi ni Col. Edgard Arevalo, Chief ng AFP Public Affairs Office, muling sumiklab ang bakbakan na tumagal ng 14 oras sa pagitan ng tropa ng Philippine Marines at ng Maute-ISIS terrorists nitong Biyernes sa Brgy. Lillot ng lungsod.
“The Marines were able to inflict heavy cas¬ualties to the terrorist group at the expense of 13 killed-in-action and 40 others wounded-in-action at a raging close quarter combat”ani Arevalo kung saan ang umaatikabong sagupaan ay nagsimula dakong alas-3:30 ng madaling araw at tumagal ng hanggang alas-5 ng hapon.
Sa tala simula ng sumiklab ang bakbakan ay nasa 138 na ang napapaslang na Maute-ISIS terrorists habang sa tropa ng gobyerno ay 58 na ang nasawi humigit kumulang sa 100 ang nasugatan at sa hanay naman ng mga sibilyan ay 21 ang namatay.
11 Hunyo 2017 - 21:38
News ID: 835878

Papatindi pa ang bakbakan sa pagitan ng tropang gobyerno at ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) matapos na 13 pang miyembro ng Phi-lippine Marines ang nagbuwis ng buhay sa krisis sa Marawi City na pumalo na sa ika -19 araw kahapon.